A. Ito po ay para sa mga mag-aaral na edad 18 pataas, mula sa 4th district ng PAMPANGA. Ito po ang mga bayan ng Macabebe, Masantol, Candaba, San Luis, Apalit, Minalin, San Simon at Sto Tomas lamang.
B. Nararapat na ang aplikante ay nasa 3rd year, 4th year, o 5th year sa Public o Private College.
C. Paumanhin po: Hindi po pinapayagan ng DSWD na sumali ang mga sumusunod:
a) nakatanggap ng kahit anong tulong mula sa DSWD
b) nakatanggap ng AICS mula kay Sec. Tulfo
c) mga 4Ps members
D. Step 1. KUNIN APPLICATION FORM
A. Ang maaaring kumuha ng application form:
a) ang mag aaral
b) mga magulang ng mag-aaral na aplikante
c) hindi po pwede ang pinsan, best friend o dyowa.
B. Pakidala po:
a) Sa estudyante: ID ng estudyante
b) Sa mga magulang: ID ng estudyante at ID ng magulang
c) black ballpen
*Mga VALID ID’s na puedeng gamitin:
1. BARANGAY ID with expiry date (ito ang pinakamadali at available sa bawat barangay);
2. National ID
3. Voter’s ID or Voter’s Certification
4. Passport
5. Driver’s or Student Drivers License
6. Philhealth ID with Address
7. Postal ID
8. SSS ID with Address
9. UMID or GSIS ID and
10. Police Clearance
HINDI PO PWEDE ang School ID.
d) Certificate of Registration or Enrollment photocopy: 1st semester 2022 -2023 (nakukuha po ito sa college ninyo)
Schedule of APPLICATION FORM:
October 09, 2022 SUNDAY
8am – Candaba Mayor’s Action Center, Mandasig, Candaba
First come First served basis
Yung mga kasama na ang pangalan sa list, may slot na po sila. Pero KAILANGAN pa rin po silang KUMUHA ng APPLICATION FORM.
Actually, Candaba Swamp was a lake-part of a chain of lakes that included Lake Canarem in Tarlac and Magabol Swamp in Pangasinan, both of which have also dried ....
Municipality of Candaba is a 1st class Municipality in the Province of Pampanga, Philippines.
webexample@webmail.com
Tel: (045) 409-0831
Poblacion, Candaba, Pampanga