Skip to main content
|

Tulong para sa mga Magsasaka ng Candaba personal na Iniabot ni PBBM

Ang bayan po natin at ang ating mga magsasaka ay mapalad na dinalaw ng ating Iginagalang na Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Nakasama po natin si Cong. Dra. Anna York Bondoc-Sagum, Coun. Ate Thelma C. Macapagal, Coun. Ramj Maglanque, Coun. Jao Kabigting Bondoc, Coun. Nelson Alonzo at Coun. Quenie Alarcon Culala, Municipal Admin Daniel Gallardo, MAO Jomar Guevarra, Municipal Agriculture Office-Candaba Staff at ang mga Punong-Barangay sa pagsalubong sa pagdalaw na ito ng Ating Pangulo. Ikinagalak ng husto ng ating mga kababayan na personal nilang nasaksihan ang mga sumusunod na tulong na iniabot ni BBM sa kanila:
1. Hybrid Seeds.
2. Inbred Seeds.
3. Fertilizer Discount Voucher.
4. 5,000 Rice Farmers Financial Assistance.
5. Farm Machineries.
#TulongTulongSaPagsulong

Official Website of Candaba