Magandang balita po hinggil sa DHVSU-Candaba Campus.
Good news mga kabataan at guro. Ayon po kay Gov. Dennis Pineda:
“Ang pagsisikap ko po at ni Vice Governor Nanay na gawing REGULAR CAMPUSES ang sampung DHVSU extension campuses ay batas na pinirmahan na ng mahal nating Pangulong Duterte.
Sa Republic Act No. 11782, ang extension campuses ay sakop na ng RA No. 8292 o Higher Education Modernization Act of 1997. Ibig sabihin ay may regular ng pondo pati sueldo ng mga teachers ng extension campuses.
Ang mga extension campuses ay nasa mga bayan ng Sto. Tomas, Porac, Lubao, Candaba, Apalit, Mexico, Sta. Rita, Floridablanca, Guagua at Sasmuan. REGULAR CAMPUSES NA PO ANG MGA ITO.
Maraming salamat po kina Congressmen JonJon Lazatin, Mikey Arroyo, Dong Gonzales at Rimpy Bondoc sa pagsponsor at pagtutulak sa batas. Maraming salamat din po kina Senators Bong Go at Joel Villanueva. Sa ngalan po ng mga mahal kong kabataang Kapampangan, buong puso po akong nagpapasalamat sa inyo.
Edukasyon ng mga kabataang Kapampangan, prayoridad natin.: