Pinangunahan po ng inyong lingkod, Alkalde Rene E. Maglanque, kasama po sina SB Ate Thelma C. Macapagal at SB Ramj Maglanque, ang pamamahagi ng relief boxes mula sa DSWD. Nakatuwang po natin sa pamamahagi si MSWDO Myline Gatbonton Biccay at ang Mswd Candaba Staff. Ito po ay ginanap sa Candaba Trade Center at ang mga nabigyan po dito ay ang mga binaha sa barangay Bambang, Buas at Paralaya.