Skip to main content
|

Meeting with Science & Technology Research Partnership for Sustainable Development

Nakipag-ugnayan po sa inyong lingkod, Mayor Rene E. Maglanque ang mga kasapi ng SATREPS (Science & Technology Research Partnership for Sustainable Development).
Sila po ay nanggaling sa UP-Los Baños at Tokyo University.
Ang layon po nila ay upang mapag-aralan kung ano ang maitutulong nila sa pagbaha na hindi maapektuhan ang pananim ng ating magsasaka. Humihingi po sila ng permiso upang makakuha ng impormasyon mula sa mga magsasakang napipinsala ang pananim sa pagdating ng baha. Ang Inyo pong Lingkod ay kinatawan nina Chief of Staff Michael V. Sagum at MAO Jomar Guevarra sa mga talakayang ginanap.

Official Website of Candaba