Ipinapaabot po ng Inyong Lingkod Mayor Rene E. Maglanque ang pagpapasalamat sa Department of Agriculture Regional Field Office III sa kanilang ikalawang araw ng pamimigay ng Fertilizers at Fertilizer Discount Vouchers sa ating mga magsasaka na ang sakahan ay sinalanta ng bagyong Egay at Falcon. Ito po ay ating nagampanan sa tulong nina SB Ate Thelma C. Macapagal, SB Ramj Maglanque, SB Jao Kabigting Bondoc, SB Nelson Alonzo, SB Quenie Alarcon Culala, Mao Jomar Guevarra at ng D.A. Candaba Staff. Ito po ay ginanap sa Candaba Trade Center at Salapungan Municipal Extension.