|

DSWD EDUCATIONAL ASSISTANCE

Magandang araw po sa lahat!
Ang amin pong tanggapan dito sa munisipyo ng Candaba ay bukas para sa mga nais magsumite ng mga dokumento para sa DSWD EDUCATIONAL ASSISTANCE para sa mga Elementary, High school, Vocational, at College students. Mula LUNES hanggang HUWEBES, ALAS OTSO NG UMAGA hanggang ALAS SINGKO NG HAPON.
Dalhin lamang po ang mga sumusunod (1 ORIGINAL AT 1 XEROX COPY ng bawat dokumento):
1. Certificate of Enrolment with DRY SEAL;
2. Updated school ID o Certificate of no ID.
Makukuha po ang mga ito sa skwelahan.
Kung ang MAGULANG po ang maglalakad o magiging kinatawan ng estudyante, magpasa din po ng XEROX COPY ng inyong VALID ID.
Ang mga nasabing dokumento ay ire-review sa aming tanggapan at kami po mismo ang maghahatid sa opisina ng DSWD Field Office III upang makatulong na mabawasan ang siksikan sa kanilang tanggapan at makabawas na po sa gastusin ninyo sa pamasahe. Ngunit ang DSWD FO 3 parin po ang magsasagawa ng INTERVIEW at ASSESSMENT. Sa mga nais pong dumiretso sa tanggapan po ng DSWD ay maaari din po kayong magtungo sa DSWD RO III, SACOP MAIMPIS, CITY OF SAN FERNANDO, PAMPANGA.
PAALALA: Maaaring maghintay lamang po ng mensahe mula sa DSWD para sa schedule ng payout.
Ginagawa po ng aming tanggapan ang abot ng aming makakaya upang maging madali ang pagsusumite po ninyo ng mga dokumento.
Maraming salamat po.

About us

Actually, Candaba Swamp was a lake-part of a chain of lakes that included Lake Canarem in Tarlac and Magabol Swamp in Pangasinan, both of which have also dried ....


Municipality of Candaba is a 1st class Municipality in the Province of Pampanga, Philippines.

webexample@webmail.com

Tel: (045) 409-0831

Poblacion, Candaba, Pampanga

© 2021 Municipality of Candaba, Province of Pampanga. All rights reserved.
Official Website of Candaba