Skip to main content
|

Congratulations BANK OF FLORIDA-CANDABA

Ginanap po ng Safety Seal Inspection Team, sa pangunguna nina GSO Eng’r. Edgar Anicete, LGOO VI Josephine M. Villanueva, MT Allan Manalastas, PLTCOL KAREN GUYAPA CLARK at Acting Mayor Michael V Sagum ang pagsuri kung ang gusali ng BANK of FLORIDA-CANDABA ay sumusunod sa mga patakarang kinakailangan upang mapanatili ang seguridad ng mga pumapasok sa naturang establisyemento. Ikinagagalak po naming ipaabot sa lahat na ang naturang gusali ay pumasa, ayon sa itinalagang kinakailangang mayroon ang isang gusali. Kaya’t iginawad po ng Team ang Safety Seal sa Manager ng Bank of Florida-Candaba, Gng. Prima Sagum, at inilagay ang Safety Seal Poster sa pinto ng naturang establisyemento.

Official Website of Candaba