Ginanap po kanina ang Blood Letting Activity sa Candaba Trade Center. Ipinapaabot po ng Inyong Lingkod, Alkalde Rene E. Maglanque, ang taos-pusong pagpapasalamat sa lahat ng ating mga kababayan na nag-alay ng kanilang dugo na makakatulong sa mga pagkakataong magkakaroon ng pangangailangan ang ating kapwa.