Ipinapaabot po ng Inyong Lingkod Mayor Rene E. Maglanque ang pagpasalamat sa lahat po ng mga nagpahatid ng ayuda para sa ating mga kababayang sinalanta po ng bagyong Egay at Fakcon. Kay Gov. Dennis Pineda po na sa kabila ng kasungitan ng panahon ay personal na naghatid ng ayuda para sa ating mga kababayan. Pagpapasalamat din sa PAGCOR, kay DSWD Sec. Rex Gatchalian na nagpahatid ng relief boxes, kay Sen. Bong Go, Cong. Anna York Bondoc, Sen. Loren Legarda, Sen. Mark A. Villar, sa SMCares at SM Foundation, kay Congressman Jorge Bustos ng PatrolPartylist, kasama ng kanyang anak na si Mayor Tonton Bustos ng bayan ng Masantol.
Pagpapasalamat din po sa MDRRMO-San Luis at MDRRMO-Sta.Ana. Pagpapasalamat din po sa mga Deparment Heads at sa kani-kaniyang staff na naki-isa sa mga naging pagkilos ng Pamahalaang Bayan ng Candaba sa akin pong pangunguna, kaantabay ang Vice-Mayor at ang Sangguniang Bayan Members, sa kung anumang naging kinailangang pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Egay at Falcon. Ganoon din po ang pagpapasalamat sa lahat ng mga Punong-Barangay at sa kani-kanilang Konseho.