Skip to main content
|

Ang Talumpati ng ating Butihing Mayor

Ang talumpati ng ating butihing mayor
Rene “Ing Malugud” Maglanque
para sa mga bagong halal na
Barangay Officials sa Candaba, Pampanga.❤️
PANOORIN:https://fb.watch/qpkkDoZmHk/
Tinalakay ng ating butihing alkalde ang mga magagandang plano para sa mas ikauunlad ng ating bayan. ❤️
* Ang pagbubukas ng Dialysis Center sa unang linggo ng Abril kung saan prayoridad at libre ang mga Candabeños na nag-dadialysis. ❤️
* Patuloy na pinapalaki ang ating ospital at mayroong 2 bldg na ginagawa. ❤️
* Mayroon tayong isang kababayan na may mabuting puso na nais mag donate ng isang ektaryang lupa sa Brgy. Pasig, kukunsulta ako muli at kung ito ay papaboran ng ating mga kababayan, dito natin ililipat ang bagong munisipyo. ❤️
* Dahil nakikinig ang inyong lingkod sa hinaing ng atin mga kababayan, ang lumang munisipyo ay hindi na natin gigibain, ito ay magsisilbing Legislative Bldg na magagamit ng ating Vice Mayor at Sangguninang Bayan.❤️
* 3 Bypass Roads na magkokonekta sa atin sa ibat-ibang bayan na mapapakinabangan ng ating mga kababayan at magiging daan sa mas ikauunlad ng bayan ng Candaba. ❤️
* Ang pangarap ng ating lingkod na gawing viaduct ang Candaba-San Miguel Road at pananatilihin ang lumang kalsada na mapapakinabangan ng ating mga magsasaka. ❤️
Karagdagan dito nag-iwan din ito ng mga payo para sa mga bagong halal na Brgy Officials❤️
* Alisin natin ang pulitika at magdesisyon kayo para sa ikabubuti ng inyong mga ka-barangay.
* Inilagay kayo sa pwesto upang maging leader kaya gawin ninyo ang makabubuti para sa nakararami.
* Inihalal kayo kaya dapat ay makisalamuha kayo sa mga nasasakupan ninyo at yakapin ninyo ang mga hindi sainyo.
* Isantabi natin ang pulitika at sa panahon na tayo ay naka-upo sa pwesto, tulong-tulong tayo para sa ikauunlad ng ating bayan dahil iisa lang ang pangarap natin at ito ay ang magserbisyo ng tapat at malinis.
Dahil sa tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan
ng inyong lingkod sa iba’t ibang nanunungkulan sa ating lalawigan at sa ating bansa mas maraming proyekto ang naibaba sa ating bayan ito ay dahil sa pagtutulungan ng mga nanunungkulan at dahil gusto natin na umasenso at maging mas progresibo ang ating bayan upang mas maraming ang magbukas na oportunidad para sa ating mga kababayan.
#TulongTulongSaPagsulong
#SerbisyongMalugud

Official Website of Candaba